Mga Positibong Epekto At Negatibong Epekto Ng Social Media
Marami na ang gumagamit ng social media ngayon, dahil dito napabilis ang ating mga kailangan.Ang social media ay nagpabago ng ating interaksyon sa ibang tao. Una itong lumabas noong 1975 na kilala bilang E-mail na hanggang ngayon ay ginagamit parin. Subalit ang social media ay um-advance ito, gumagamit na tayo ngayon ng profile para malaman ng ibang tao kung ano ang ating mga gusto kainin o gawin.
Ngayon sa social media ay pwede na tayong mag-share ng mga storya, larawan at gumagamit rin tayo ng messaging upang tayo ay maka kumonika sa iba. Ang ganitong klase ng social networking ay hindi sikat hanggang sa taong 2003 nang ini-release ang MySpace at Friendster. Makalipas ang ilang mga buwan ay may bago na namang social network ang ini-release, ang Facebook, ini-release ito noong 2004 pero hindi ito direktang ini-relese sa publiko, ito ay open para sa mga college students na may valid university email. Makalipas ang dalawang taon ay ini-release na ito sa publiko, pagkatapos itong ma-release sa publiko ay naging number one social networking site ito ngayon. Ang mga networks na ito ay may maraming positibong epekto sa ating buhay at may marami ring negatibong epekto ang mga ito.
Ang pagsaka ng mobile social networking ay posibleng magdadala ng mga problema sa ating kalusugan. Ngayon ang social network ay nagpapabago sa ating paraan ng pakikipag-interak sa ating paligid.Ang social media ay patuloy paring nag-aadvance para mabigyan nila tayo ng better features, at ang mga sites na ito ay palaki ng palaki. Bagama’t ang social media ay mayroong negatibong epekto, mayroon parin itong positbong epekto. Ngayon ay pag-uusapan natin ang mga postibo at negatibong epekto sa social media.
Mga Positibong Epekto Ng Social Media
Ang una nataing tatalakayin ay ang positibong epekto ng Social Media. Sa social media ay mayroong mga sites na ginagamit ng mga tao para magki-communicate at mananatili paring konektado sa isa’t isa at makakilala ng bagong kaibigan. Ang mga sites na ito ay nag-allow sa mga tao na makahanap ng similar na interests at makagawa sila ng relationship katulad ng pagkakaibigan at makilala nila ang isa’t isa. Ang social media ay nagpahintulot para sa mga creative expressions gamit ang mga tools such as blogging at messaging tools para maka-post tayo ng ideas at stories. Maka-share rin tayo ng mga tula, larawan, Tv shows, hobbies at iba pa. Ang mga invitations ay malilikha rin dito at i-send ito sa ating mga kaibigan. Hindi lang ito ginagamit para sa pag-communicate sa ibang tao, ginagamit rin itong leksyonan ng mga educational topics. Ang social media ay sinasabing maka-increase sa ng isang tao sa kanilang quality life, at nakapababa rin ito ng health risks. Ang paggamit ng social media ay nakakatulong para umimprove ang ating technological skills sa mga studyante. Nakatulong rin ito sa ating communication skills, at nag-allow rin ito na malalaman natin ang iba’t ibang kultura sa buong mundo.
Ang mga studyante rin ay gumagamit na rin ng social media para discuss nila ang kanilang homework topics sa tulong nito, at magpatulong sa kanilang mga assignments. Sixty percent sa mga studyante sa social media ay nag-uusap tungkol sa edukasyon at fifty percent ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga assignments. Ang mga studyanteng ito ay mayroong extraordinary set of traditional and 21st century skills kasama na ang komunikasyon, creativity, collaboration, at leadership skills at technology proficiency. Ang mga parents ay nag-eexpect sa mga skwelahan na turoan ang kanilang mga anak sa tamang paggamit ng social media at pahalagahan ito. Ang ilan sa public schools ay naglikha ng secure na paraan sa social media para sa mga studyante na madali nang maka-communicate sa ibang studyante at magawa ito sa ma-ingat na paraan.
Sa social media pwede karing gumawa ng business. Mayroong mga sites na pwede kang gumawa ng business at market services para sa mga tao. Marami na ang mga business sa social media. Ang mga businesses ay nagkaroon ng maraming attention sa social media ngayon at available ito para sa lahat. At ang mga businesses ay gusto gumamit ng social network dahil malalaman nila ang potential ng mga employee’s at maglilikha sila ng mga desisyon base sa mga impormasyon galing sa profile tao.
Mga Negatibong Epekto Ng Social Media
Ang social media ay mayroon ding mga negatibong epekto, pero hindi parin natin maikompara ang mga advantages sa paggamit nito. May mga kabataan ngayon na sumobra ang pag-share ng impormasyon sa publiko at ito nakakasira ng kanilang kinabukasan kung maghahanap sila ng trabaho at ang pagdedelete ng impormasyon ay hindi sapat. Mayroon ding cyber bullying ngayon, ito ay ang pagbu-bully ng mga tao online. Sa mga palaging gumagamit ng social media ay prone sa social isolation which can lead to depression. Mayroon ding mga hackers na magha-hack sa ating mga accounts para nakawan tayo, at pages-send ng viruses sa inyong gadgets. Identity theft ay lumalabas din kung mayroong cybercriminal na gumagamit ng network para makuha niya ang personal information posted tungkol sa mga tao. At sa panahon ngayon ay cell phone na ang na-uuso na nag a-access sa mga sites, dahil dito marami na ang nagce-cell phone at nagte-text habang naglalakad o nagda-drive.
Ang social media ay naging mobile use kaya nag-increase ito ng problema sa kalusuganng tao dahil naglalabas ng electromagnetic radiation na ina-absorb ng ating katawan at utak. Ang absorption na ito ay nag-disrupts sa ating brain sites for memory at naging dahilan ng confusion at pagkakalimot. Nareport narin ito na ang cell phone ay nagiging dahilan ng cancer sa iba dahil ito sa electromagnetic exposure sa ating katawan.
Ang social media ay mayroong advantages at disadvantages at ang social media ay nagpabago na nang paraan sa pag-interact ng tao sa iba, pero nag a-advance parin ito para madali lang ito gamitin natin. At patuloy parin itong nagbao para mawala ang mga negatibong epekto nito sa atin. Kagaya nga ng ating kasabihan ano mang sobra ay masama kaya huwag po tayong maglaan ng panahon sa internet. Pero hindi masama ang paggamit ng internet o social media basta hindi maapektuhan ang ating pag-aaral at kalusugan.
A/N: Sorry po sa mga typos at dahil bago lang po ako. Ito ang una kung nasulat na blog kaya pagpasensyahan niyo po ito.